BREAKFAST "the most important meal of the day"

Ito ang madalas at halos paulit ulit lang na agahan ng aking pamilya .marami kasi silang ayaw na pagkain .pero itong mga naka larawan , masasabing hindi nila tatanggihan.
















my home baked bread

ITO ANG ILAN SA MGA GINAWA KONG MGA TINAPAY , PARA SA AGAHAN AT MIRYENDA NG AKING PAMILYA .

HAM BREAD W/MAYO


CREAMY BREAD


SAUSAGE WITH MAYO

CINNAMON LITE

CINNAMON ROLL
ROSE BACON

CROISSANT

ALMOND CINNAMON


EMPANADA DE PAPA

GARLIC BREAD

..................................................................ABANGAN!!!

pandesal!!

ito ang una kong nagawang pandesal..,grabe!!sarap ng feeling. kasi ako ang taong mahig magluto pero hindi marunong magluto!(gets po??)kaya nang magawa ko ito ang saya saya ko. halos ayaw ko ng itigil ang pag gawa...,kaya nasundan pa ito ng nasundan at hindi lang pandesal ngayon ang pinapakain ko sa aking pamilya tuwing umaga at miryenda, maraming klase na!! ABANGAN.....

chichirya`s...,(junk foods)

ito ay isang ideya para sa mga batang mahilig sa chichirya`s or junk foods.pero hindi ba ninyo napapansin ,na ang ibang bata ay takaw tikim lamang. madalas magbubukas sila ng chichirya pero hindi naman kinakain at ganon ng ganon ,katulad sa mga anak ko. kaya naiisip ko na gawin ito, para hindi sila masanay sa ganong pag-uugali ,na hindi nang hihinayang sa anumang pagkaing itinatapon.
ganito kadalasan ang chichirya`s sa bahay . karamihan madalas sa mga ito ay nasasayang lamang dahil nga sa tinatawag na "takaw tingin lamang "
magbubukas pero ,hindi rin kinakain at itinatapon lamang. kaya naisip ko ang paraang kahon na ito ,nailalagay nila ang kanilang mga natitirang chichirya`s at ito ay matatagpuan sa mismong ibabaw ng mesa .habang may laman ang kahon na ito ay hindi sila pwede mag bukas ng bagong chichirya`s.
maganda naman ang naging resulta,kapag hindi nila siguradong mauubos ,iniiwasan nalang nila magbukas ng chichirya, kung sa kanilang palagay ay hindi nila mauubos. kaya ang chichirya ay nauuwi sa pagkain ng tinapay o sandwich , cereals w/milk,green salads at potato. "maganda dibah!!?"

ang sabi ng ilan..,"bakit bumili ka pa ng maraming chichirya ,ayaw mo naman pakain sa mga anak mo?"ang sa akin naman ay,hindi sa ayaw ko silang pakainin ng chichirya`s, sa katunayan mahilig din ako sa chichirya`s , pero gusto ko, hindi sila mahilig sa mga ito at iaasa ang kanilang gutom sa mga ito at matuto silang magpahalaga sa mga pagkain..,na pag hindi nagustuhan eh,itatapon nalang . wag nalang buksan kung hindi siguradong mauubos diba?! ang maganda sa marami silang nakikitang chichirya`s sa bahay namin ,pag nasa ibang bahay sila hindi sila yung parang sabik sa chichirya, kung baga nga eh, sawa na.., "sa tingin!"

ganon din sa mga chokolates na ito.kung malaking supot ang biniling chokolates,hinahati ko ito sa ilang lalagyang may takip at hindi nababasag, isang lalagyan lang ang nasa ibabaw ng lamesa at hindi sya papalitan ng panibago, hangga`t may laman pa .
hindi ko sila hinihikayat naubusin ng mabilis ang mga chichirya`s at chokolates ,ang aking mga anak kasi ay madali mag sawa kahit sa anumang pagkain..,pero diba nga, iba nga daw pag "chichirya" na ang usapan, pero umubra naman ang ideya na ito sa aking mga anak.kaya super ok talaga!;)

ARAW NG PALAKASAN (UNDOKAI)

IKA -24 NG MAYO,2008 ,SABADO . IPINAGDIWANG SA MABABANG PAARALAN NG MATSUGAOKA (JAPAN) NA KUNG SAAN NAG AARAL ANG DALAWA SA APAT KONG ANAK . GINANAP ANG ARAW NG PALAKASAN O " UNDOKAI" (NA MASKILALA SA SALITANG HAPON.) IPINAG DIRIWANG TAON TAON ANG UNDOKAI SA BAWAT ESKWELAHAN DITO SA JAPAN,SA PANAHON NG TAGSIBOL AT TAGLAGAS .














NAGING MASAYA ANG ARAW NA ITO HINDI LANG SA MGA MAG-AARAL AT MGA GURO , PATI NA RIN SA AMING MGA MAGULANG .DAHIL NG ARAW NA ITO AY NAILATHALA SA PANAHONG PAHAYAGAN , NA UULAN, PERO NAPAKABUTI NG ATING PANGINOON JESUS ,DAHIL HINDI NYA IPINAHINTULOT NA BUMAGSAK ANG ULAN SA GITNA NG OKASYON ,BAGKUS AY PAGTAPOS NA NG LAHAT NG AKTIBIDADES AT NAKAUWI NA ANG LAHAT SA KANIKANILANG TAHANAN, SAKA BUMUHOS ANG NAPAKALAKAS NA ULAN. KAYA NAIDAOS NG MAGANDA AT MASAYA ANG ARAW NA ITO. DAHIL SA NAGDAANG TATLONG TAON AY UMUULAN O UMULAN, KAYA MAPUTIK ANG PINAGDARAUSAN. KAYA HINDI NAGING KOMPORTABLE ANG BAWAT ISA , LALO NA ANG MGA MAG AARAL NA NAG INSAYO PARA SA ARAW NA ITO, SA LOOB NG HALOS ISANG BUWAN.
SABI KO NGA SA AKING MGA ANAK, " NA WAG KAYONG MAG-ALALA DAHIL NI REQUEST KO NA KAY GOD NA WAG SANANG UMULAN"AT NAPAKABUTI NG PANGINOON DAHIL HINDI NGA UMULAN ! AT ALAM KONG MARAMING NANALANGIN. ALANG ALANG SA AMING MGA ANAK ..,NA ARAW ARAW AY PAGOD NA PAGOD ,PAGKAGALING SA SKWELA DAHIL SA ENSAYO AT PAGHAHANDA PARA SA ARAW NA ITO .



MINSAN PA IPINAKITA NG ATING PANGINOON, NA KAYA NYANG BAGUHIN , KAHIT NA ITO`Y NAKATAKDA NA. PARA SA IKASISIYA AT IKABUBUTI NG KANYANG MGA ANAK. TO GOD BE THE GLORY!