magbubukas pero ,hindi rin kinakain at itinatapon lamang.
ang sabi ng ilan..,"bakit bumili ka pa ng maraming chichirya ,ayaw mo naman pakain sa mga anak mo?"ang sa akin naman ay,hindi sa ayaw ko silang pakainin ng chichirya`s, sa katunayan mahilig din ako sa chichirya`s , pero gusto ko, hindi sila mahilig sa mga ito at iaasa ang kanilang gutom sa mga ito at matuto silang magpahalaga sa mga pagkain..,na pag hindi nagustuhan eh,itatapon nalang . wag nalang buksan kung hindi siguradong mauubos diba?! ang maganda sa marami silang nakikitang chichirya`s sa bahay namin ,pag nasa ibang bahay sila hindi sila yung parang sabik sa chichirya, kung baga nga eh, sawa na.., "sa tingin!"
ganon din sa mga chokolates na ito.kung malaking supot ang biniling chokolates,hinahati ko ito sa ilang lalagyang may takip at hindi nababasag, isang lalagyan lang ang nasa ibabaw ng lamesa at hindi sya papalitan ng panibago, hangga`t may laman pa .
hindi ko sila hinihikayat naubusin ng mabilis ang mga chichirya`s at chokolates ,ang aking mga anak kasi ay madali mag sawa kahit sa anumang pagkain..,pero diba nga, iba nga daw pag "chichirya" na ang usapan, pero umubra naman ang ideya na ito sa aking mga anak.kaya super ok talaga!;)