my home baked bread

ITO ANG ILAN SA MGA GINAWA KONG MGA TINAPAY , PARA SA AGAHAN AT MIRYENDA NG AKING PAMILYA .

HAM BREAD W/MAYO


CREAMY BREAD


SAUSAGE WITH MAYO

CINNAMON LITE

CINNAMON ROLL
ROSE BACON

CROISSANT

ALMOND CINNAMON


EMPANADA DE PAPA

GARLIC BREAD

..................................................................ABANGAN!!!

pandesal!!

ito ang una kong nagawang pandesal..,grabe!!sarap ng feeling. kasi ako ang taong mahig magluto pero hindi marunong magluto!(gets po??)kaya nang magawa ko ito ang saya saya ko. halos ayaw ko ng itigil ang pag gawa...,kaya nasundan pa ito ng nasundan at hindi lang pandesal ngayon ang pinapakain ko sa aking pamilya tuwing umaga at miryenda, maraming klase na!! ABANGAN.....

chichirya`s...,(junk foods)

ito ay isang ideya para sa mga batang mahilig sa chichirya`s or junk foods.pero hindi ba ninyo napapansin ,na ang ibang bata ay takaw tikim lamang. madalas magbubukas sila ng chichirya pero hindi naman kinakain at ganon ng ganon ,katulad sa mga anak ko. kaya naiisip ko na gawin ito, para hindi sila masanay sa ganong pag-uugali ,na hindi nang hihinayang sa anumang pagkaing itinatapon.
ganito kadalasan ang chichirya`s sa bahay . karamihan madalas sa mga ito ay nasasayang lamang dahil nga sa tinatawag na "takaw tingin lamang "
magbubukas pero ,hindi rin kinakain at itinatapon lamang. kaya naisip ko ang paraang kahon na ito ,nailalagay nila ang kanilang mga natitirang chichirya`s at ito ay matatagpuan sa mismong ibabaw ng mesa .habang may laman ang kahon na ito ay hindi sila pwede mag bukas ng bagong chichirya`s.
maganda naman ang naging resulta,kapag hindi nila siguradong mauubos ,iniiwasan nalang nila magbukas ng chichirya, kung sa kanilang palagay ay hindi nila mauubos. kaya ang chichirya ay nauuwi sa pagkain ng tinapay o sandwich , cereals w/milk,green salads at potato. "maganda dibah!!?"

ang sabi ng ilan..,"bakit bumili ka pa ng maraming chichirya ,ayaw mo naman pakain sa mga anak mo?"ang sa akin naman ay,hindi sa ayaw ko silang pakainin ng chichirya`s, sa katunayan mahilig din ako sa chichirya`s , pero gusto ko, hindi sila mahilig sa mga ito at iaasa ang kanilang gutom sa mga ito at matuto silang magpahalaga sa mga pagkain..,na pag hindi nagustuhan eh,itatapon nalang . wag nalang buksan kung hindi siguradong mauubos diba?! ang maganda sa marami silang nakikitang chichirya`s sa bahay namin ,pag nasa ibang bahay sila hindi sila yung parang sabik sa chichirya, kung baga nga eh, sawa na.., "sa tingin!"

ganon din sa mga chokolates na ito.kung malaking supot ang biniling chokolates,hinahati ko ito sa ilang lalagyang may takip at hindi nababasag, isang lalagyan lang ang nasa ibabaw ng lamesa at hindi sya papalitan ng panibago, hangga`t may laman pa .
hindi ko sila hinihikayat naubusin ng mabilis ang mga chichirya`s at chokolates ,ang aking mga anak kasi ay madali mag sawa kahit sa anumang pagkain..,pero diba nga, iba nga daw pag "chichirya" na ang usapan, pero umubra naman ang ideya na ito sa aking mga anak.kaya super ok talaga!;)

ARAW NG PALAKASAN (UNDOKAI)

IKA -24 NG MAYO,2008 ,SABADO . IPINAGDIWANG SA MABABANG PAARALAN NG MATSUGAOKA (JAPAN) NA KUNG SAAN NAG AARAL ANG DALAWA SA APAT KONG ANAK . GINANAP ANG ARAW NG PALAKASAN O " UNDOKAI" (NA MASKILALA SA SALITANG HAPON.) IPINAG DIRIWANG TAON TAON ANG UNDOKAI SA BAWAT ESKWELAHAN DITO SA JAPAN,SA PANAHON NG TAGSIBOL AT TAGLAGAS .














NAGING MASAYA ANG ARAW NA ITO HINDI LANG SA MGA MAG-AARAL AT MGA GURO , PATI NA RIN SA AMING MGA MAGULANG .DAHIL NG ARAW NA ITO AY NAILATHALA SA PANAHONG PAHAYAGAN , NA UULAN, PERO NAPAKABUTI NG ATING PANGINOON JESUS ,DAHIL HINDI NYA IPINAHINTULOT NA BUMAGSAK ANG ULAN SA GITNA NG OKASYON ,BAGKUS AY PAGTAPOS NA NG LAHAT NG AKTIBIDADES AT NAKAUWI NA ANG LAHAT SA KANIKANILANG TAHANAN, SAKA BUMUHOS ANG NAPAKALAKAS NA ULAN. KAYA NAIDAOS NG MAGANDA AT MASAYA ANG ARAW NA ITO. DAHIL SA NAGDAANG TATLONG TAON AY UMUULAN O UMULAN, KAYA MAPUTIK ANG PINAGDARAUSAN. KAYA HINDI NAGING KOMPORTABLE ANG BAWAT ISA , LALO NA ANG MGA MAG AARAL NA NAG INSAYO PARA SA ARAW NA ITO, SA LOOB NG HALOS ISANG BUWAN.
SABI KO NGA SA AKING MGA ANAK, " NA WAG KAYONG MAG-ALALA DAHIL NI REQUEST KO NA KAY GOD NA WAG SANANG UMULAN"AT NAPAKABUTI NG PANGINOON DAHIL HINDI NGA UMULAN ! AT ALAM KONG MARAMING NANALANGIN. ALANG ALANG SA AMING MGA ANAK ..,NA ARAW ARAW AY PAGOD NA PAGOD ,PAGKAGALING SA SKWELA DAHIL SA ENSAYO AT PAGHAHANDA PARA SA ARAW NA ITO .



MINSAN PA IPINAKITA NG ATING PANGINOON, NA KAYA NYANG BAGUHIN , KAHIT NA ITO`Y NAKATAKDA NA. PARA SA IKASISIYA AT IKABUBUTI NG KANYANG MGA ANAK. TO GOD BE THE GLORY!

araw ng mga ina..

IKA 11 NG MAYO TAONG KASALUKUYAN.,"ARAW NG MGA INA"SIMPLE AT NAGING MASAYA AT HALONG LUNGKOT ANG ARAW NA ITO SA AKIN. MASAYA KASI..,IKUMPARA SA MGA NAGDAANG MGA TAON, SA ARAW NG MGA INA ,AY NAKASANAYAN NG KAKAIN SA LABAS ,REGALO ,BULAKLAK AT SULAT MULA SA AKING MGA ANAK AT SA AKING MAHAL NA ASAWA."OF COURSE HAPPY!!"
ANG PAG KAKAIBA NGAYONG TAON, SA AMING TAHANAN LAMANG KAMI AT ANG AKING ASAWA AT AKING MGA ANAK ANG MISMONG NAG HANDA SA AMING DINNER .
"SYEMPRE SI "CHEF IKI" ANG NAG LUTO NG KANYANG ORIGINAL RECIPE NA "ENRAK ANCOPCUPCOPCUNIPIN ROHI" (IN SHORT STEAK:-)HEHEHE...HHHHMMMM..SARAP! AT SYEMPRE ANG MGA BATA HINANDA ANG CAESAR SALAD NA NAPAKARAMING TOPPINGS (CHICKEN,CRUTTONS,EGG,BACON & CHESSE) AT SYEMPRE GUSTO KO MAY ROON DIN AKONG AMBAG KAHIT NA AYAW NILA, KASI DAW "MOTHER` S DAY"RELAX LANG DAW AKO;)"I AM TRULY BLESSED BY THEM! ;)" PERO GUSTO KO RIN IPADAMA SA KANILA ANG INIT NG AKING PAGMAMAHAL ,KAYA NAG LUTO AKO NG MAINIT NA SINIGANG NA SPARE RIBS ..,HEHEHE...(MAINIT DIPO BAH!?;D) AT ANG AMING DESSERTS AY ORANGE MOOSE CAKE AT CHOCO BANANA CAKE .
NAIRAOS AT NAGING MASAYA ANG ARAW NA ITO ,HINDI LANG SA AKIN KUNDI SA AMING BUONG PAMILYA. NAG PAPASALAMAT AKO SA ATING PANGINOONG JESUS SA PAMILYANG IBINIGAY NYA SA AKIN AT SA KABUTIHAN NYA SA SA AMIN. SALAMAT SA AKING PAMILYA , NA LAGING IPINADARAMA KUNG GAANO AKO KA IMPORTANTE SA KANILA."I LOVE YOU GUYS!!MMMUUUAAAH!!"

WELL,NABANGGIT KONG MAY LUNGKOT.., DAHIL MAY MGA TAONG HINDI KO NAKAUSAP AT NABATI NG ARAW NA ITO .PERO ALAM KONG KAHIT HINDI KO SILA NABATI AT NAKAUSAP ..,DITO SA AKING PUSO, LAGING ARAW NG MGA INA.DAHIL ANDITO LANG SILA PALAGI SA AKING PUSO. "SA KANILA...,MAHAL NA MAHAL KO PO KAYO!!"

happy smile..that make my day

Wednesday, April 30, 2008



I feel incredibly blessed by them every day.all my children actually. FYI, i have 4 and they`re all boys;D

pasensya na, tao lang po!

tao lang po at nagkakamali ;-)

try nga..bakit hindi!!..hhhmmm..

hayyy!ano ba ginagawa ko d2?malay ko ba sa blog?!hindi rin ako makwento(mapagmalinis!!;-))hhhmmm..sabagay bakit hindi subukan!hhmmmm..(ulit)saan ba ako mag uumpisa??hhhmmm..(kasama sa title) hay naku bala na!!well, cge, tawagin natin itong"my boring diary"tutal cno ba naman ang makakakita nito eh, posibleng buong mundo lang naman..,nngeee..,cge, bala na sana lang mapanindigan ko ito.by the way, today it`s hot and getting hotter, actually spring season parin d2, but mararamdaman na ang init, kaya masasabi ko na malapit na ang summer! and i suggest to staying indoors, during the hottest parts of the day,and extra care for our skin, to remain Healthy looking skin.ang sakit kaya sa balat ng sun burn.., at hindi pantay pagnag pilloff. like what happened to my friend..,oopsss!(walang name..,hehehe)mahirap na baka mabatukan heheh..,cge d2 na nga lang muna itong aking M.B.D. at nag hihintay ang aking japanese neighbor, sa aking cream bread recipe ,baka akalain nya na, ininjan ko na sya .o cge bye for now.:))

God Bless us!!

Kodomo no Hi..(Children`s Day)

Tuesday, May 6, 2008

tuwing sasapit ang ika 5 ng mayo bawat taon, kinilala ang araw naito bilang araw ng mga bata, originally known as the boys day, pero ngayon pang kalahatang bata na ang celebrasyong ito. itong nasa larawan >>>>

ang makikita halos sa tapat ng mga bahay , ng isang pamilya na may anak na lalaki..,like us, kahit sa mga kalsada ito`y makikitang nakasabit dito, at kung tawagin ito ay"Koinobori" (carp streamers)at isa kami sa nag celebrate na pamilya. well , nilabas naming mag asawa ang mga bata, maliban sa aming panganay na si ryan. kasi may kompromiso sya nang araw na ito, na hindi pwede ipagpaliban. kaya itong taon na ito sa unang pagkakataon hindi nakasama si kuya sa aming lakad. taon taon namin pinagdiriwang ang araw na ito , na kaugalian ng mga hapon. napara sa akin ay masaya at nakakalibang. sabi nga ng aking anak na si russelle, (pangatlo sa panganay)eh, bawal silang pagalitan ng araw na ito. (ang cute diba !!hehehe)sabihan ba naman ako ng anak kong ..,(mommy kyo okoranaide ne,kodomo no hi nan dakara!) means..,(mommy wagkang magagalit ngayong araw na ito kasi araw ng mga bata ngayon!):-D...aba, ang ama laki ng tawa grabe!hehehe..at sabi ko naman humanda kayo bukas pagkatapos ng kodomo no hi! whehehehe..,( joke only!;-D )


enjoy talaga, dinala namin sila sa enoshima suizokkan(enoshima aquarium)mga iba`t ibang klaseng lamang dagat na naka aquarium. like..,jelly fish, giant pagong, penguin, shark, etc. too many to mention.(palusot dilang kayang pangalanan.!hehehe..;)at dolphin show. take note, musical yung ibang dolphin show nila , grabe galing!!hindi lang pang bata kahit matanda mag eenjoy talaga. ang dami nga lang tao, grabe!!20 mins . nga ang nilakad namin mula parking lot, mukhang pati paradahan ng ibang stall ginamit nila at dun kami pinagpark. parang alay lakad kasi ang dami namin, hehehe..,kaya hindi mo mapapansin naganun kalayo ang pinagparkingan namin. pauwi saka namin naramadamn na ganon pala kalayo yung parking lot. usually kasi pagpupunta kami dun andyan lang ang parking malapit. ehh, kasi ordinayong araw or weekend hindi katuland nitong araw na ito.kaya sa pagod bago kami pumasok kain muna ng curry rice .kasi sa entrance may curry house,eh, napagod sa paglalakad. kaya, kain muna!(nakakaakit kaya ang amoy ng curry..;-)at infairness masarap ang combo curry nila. kaya combo kasi may toppings na ebifry, tamago danggo, hamburger . spicy konti, kaya oks lalo. ang ebifry at tamago danggo ay fried shrimp at egg meat ball .


anyway, enjoy naman lalo na ang mag bata , kasi after makita ang loob at mga shows punta kami sa may dagat, maganda ang weather ng araw na ito hindi mainit hindi malamig kaya super ok mag bay walk. sabayan mo pa ng pakain ng ice cream at sitsirya (ala luneta dibah gah !hehehe;-)konting laro ng buhangin at magtatatakbo sa napakalawak na kapaligiran.




napaka saya ng aming mga anak. mga ngiting hindi matatawaran..,ikanga ! at bilang magulang , sarap ng feeling diba ?!!yun nga lang wala si kuya ngayong araw na ito, para sana mas masaya , pero marami panamang darating na pagkakataon, kaya oks nadin at nagbibinata na rin kasi sya. bilang magulang ay kailangan rin unawain.:D

anyway, nang mapagod at magutom ang mga bata, nagyayang kumain at syempre pa dahil nga "kodomo no hi", bago kami pumunta dito , tinanong sila ng kanilang obachan (grandmom)kung saan nila gusto kumain at name it nga daw! sabi nila sa steak house(treat ng lola;)) at dahil malapit lang sa aming kinaroroonan ang red lobster restaurant , at may roon rin silang steak.
napagpasyahan namin doon na kumain (may steak na, may lobster ka pa...,san ka pah!;-))

maghapon pagod, pero.., MASAYA!