tuwing sasapit ang ika 5 ng mayo bawat taon, kinilala ang araw naito bilang araw ng mga bata, originally known as the boys day, pero ngayon pang kalahatang bata na ang celebrasyong ito. itong nasa larawan >>>>

ang makikita halos sa tapat ng mga bahay , ng isang pamilya na may anak na lalaki..,like us, kahit sa mga kalsada ito`y makikitang nakasabit dito, at kung tawagin ito ay"Koinobori" (carp streamers)at isa kami sa nag celebrate na pamilya. well , nilabas naming mag asawa ang mga bata, maliban sa aming panganay na si ryan. kasi may kompromiso sya nang araw na ito, na hindi pwede ipagpaliban. kaya itong taon na ito sa unang pagkakataon hindi nakasama si kuya sa aming lakad. taon taon namin pinagdiriwang ang araw na ito , na kaugalian ng mga hapon. napara sa akin ay masaya at nakakalibang. sabi nga ng aking anak na si russelle, (pangatlo sa panganay)eh, bawal silang pagalitan ng araw na ito. (ang cute diba !!hehehe)sabihan ba naman ako ng anak kong ..,(mommy kyo okoranaide ne,kodomo no hi nan dakara!) means..,(mommy wagkang magagalit ngayong araw na ito kasi araw ng mga bata ngayon!):-D...aba, ang ama laki ng tawa grabe!hehehe..at sabi ko naman humanda kayo bukas pagkatapos ng kodomo no hi! whehehehe..,( joke only!;-D )
enjoy talaga, dinala namin sila sa enoshima suizokkan(enoshima aquarium)mga iba`t ibang klaseng lamang dagat na naka aquarium. like..,jelly fish, giant pagong, penguin, shark, etc. too many to mention.(palusot dilang kayang pangalanan.!hehehe..;)at dolphin show. take note, musical yung ibang dolphin show nila , grabe galing!!hindi lang pang bata kahit matanda mag eenjoy talaga. ang dami nga lang tao, grabe!!20 mins . nga ang nilakad namin mula parking lot, mukhang pati paradahan ng ibang stall ginamit nila at dun kami pinagpark. parang alay lakad kasi ang dami namin, hehehe..,kaya hindi mo mapapansin naganun kalayo ang pinagparkingan namin. pauwi saka namin naramadamn na ganon pala kalayo yung parking lot. usually kasi pagpupunta kami dun andyan lang ang parking malapit. ehh, kasi ordinayong araw or weekend hindi katuland nitong araw na ito.kaya sa pagod bago kami pumasok kain muna ng curry rice .kasi sa entrance may curry house,eh, napagod sa paglalakad. kaya, kain muna!(nakakaakit kaya ang amoy ng curry..;-)at infairness masarap ang combo curry nila. kaya combo kasi may toppings na ebifry, tamago danggo, hamburger . spicy konti, kaya oks lalo. ang ebifry at tamago danggo ay fried shrimp at egg meat ball .
anyway, enjoy naman lalo na ang mag bata , kasi after makita ang loob at mga shows punta kami sa may dagat, maganda ang weather ng araw na ito hindi mainit hindi malamig kaya super ok mag bay walk. sabayan mo pa ng pakain ng ice cream at sitsirya (ala luneta dibah gah !hehehe;-)konting laro ng buhangin at magtatatakbo sa napakalawak na kapaligiran.
napaka saya ng aming mga anak. mga ngiting hindi matatawaran..,ikanga ! at bilang magulang , sarap ng feeling diba ?!!yun nga lang wala si kuya ngayong araw na ito, para sana mas masaya , pero marami panamang darating na pagkakataon, kaya oks nadin at nagbibinata na rin kasi sya. bilang magulang ay kailangan rin unawain.:D
anyway, nang mapagod at magutom ang mga bata, nagyayang kumain at syempre pa dahil nga "kodomo no hi", bago kami pumunta dito , tinanong sila ng kanilang obachan (grandmom)kung saan nila gusto kumain at name it nga daw! sabi nila sa steak house(treat ng lola;)) at dahil malapit lang sa aming kinaroroonan ang red lobster restaurant , at may roon rin silang steak.
napagpasyahan namin doon na kumain (may steak na, may lobster ka pa...,san ka pah!;-))
maghapon pagod, pero.., MASAYA!